Pauleen, na-shock kay Tali!

Pauleen, na-shock kay Tali!

September 11, 2022 @ 11:03 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – For a four-year old child ay masasabing kinakikitaan na ng kabibuhan si Talitha o Tali.

Si Tali ang bunsong anak ni Bossing Vic Sotto kay Pauleen Luna.

At dahil may pinagmanahan naman ay isa nang ganap na artista ang bagets.

Nasa pamagat ang pangalan niya sa sitcom with her parents, ang Love, Bosleng and Tali.

Kuwento ni Pauleen, challenge daw sa taping ang pagiging bahagi ni Tali sa mga eksenang kinukunan.

Halimbawa, bigla na lang daw itong sisingit habang nagdadayalog sina Bossing at Pauleen, “What did you say?”

O di naman kaya’y magbibitaw ito ng: “Mom, I want chocolate. I’m hungry!” na wala naman daw sa script.

Medyo naiintindihan na raw ng bagets ang galawan sa taping.

Binibigyan na lang daw si Tali ng cue kung kailan magbibitaw ng linya.

Dagdag pang tsika ni Pauleen, na-shock daw siya nang tanungin niya si Tali kung ano ang gusto paglaki.

Tanong niya, “Do you want to be an actor?”

Sagot naman ni Tali: “No! I want to be an actress!”

O, di ba, alam ni Tali ang mga nouns na masculine at feminine?

Samantala, enjoy daw ang bagets na nasa pre-kinder sa face-to-face classes as she gets to make friends in school. Ronnie Carrasco III