Paulo Gumabao, trese anyos nakatikim ng ‘first time’!

Paulo Gumabao, trese anyos nakatikim ng ‘first time’!

January 31, 2022 @ 1:25 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Maaga ang sexual awakening ni Paulo Gumabao.

Walang katensyon-tensyon nga niyang sinagot ang mga nakakakilig na random questions nang sumalang sa virtual interview nina Allan Diones at Anna Pingol for pika Pika, isang online entertainment site.

Hindi ikinahihiya ng ngayo’y 23 anyos, at isa sa mga bida sa pelikulang ‘Silip sa Apoy’ ng Vivamax, na sa edad na trese anyos ay naranasan na niya ang kanyang first kiss with a girl.

Ayon sa male symbol at isa sa mga anak ng dating aktor na si Dennis Roldan, grade VII daw siya noong time na ‘yon, kung saan ang ka-passionate kissing niyang babae’y dinala siya sa isang construction site sa kanilang subdivision.

Sa naturang edad din daw naranasan ni Paulo ang kanyang first sexual experience, this time in his home province Bicol with a girl four years his senior (17 years old).

Take note, nilinaw niyang hindi niya ‘yon nobya kundi naka-one night stand lang.

Tinukso tuloy siya ng Pika Pika na habulin siya ng mga girls. Mestiso kasi siya, matikas ang pangangatawan at guwapo.

Pero pag-amin ni Paulo, “Sa totoo lang, mas habulin ako ng mga beki!” to which ang reaction ng Pika Pika ay something na obvious naman at ‘di na kailangang ipangalandakan.

Samantala, lalo pang “kaelya-elya” ang dating ni Paulo with his revelation tungkol sa kanyang bedtime secrets.

Walang saplot lang naman kung matulog siya.

Mas bet din ni Paulo na siya ang sinasabunutan ng kanyang partner in bed sa kanilang pagniniig.

Nate-turn din daw siya kapag minamasahe muna ang kanyang thighs bago ang main event sa kama.

Anyway, kasama ni Paulo sa pelikulang ‘Silip sa Apoy’ sina Sid Lucero at Angeli Khang, na currently ay streaming na sa Vivamax under the helm of direk Mac Alejandre. Ronnie Carrasco III