Paulo, may emote kay Janine?

Paulo, may emote kay Janine?

August 15, 2022 @ 8:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Does Paulo Avelino feel being left out? Taken for granted?

Ito kasi ang mararamdaman sa post niya on his Facebook page.

Ayon sa kanyang makahulugang art card: “Walang salitang busy sa taong ikaw ang priority.”

Take note, the way he posted it ay all caps ang mga salitang “busy” at “priority.”

Hindi roon natapos ang pag-emote ng aktor.

Pahabol niya, “Piliin mo ung taong ikaw ang pinipili.”

Natural na walang ibang iniisip ang mga netizen kundi ang rumored girlfriend niyang si Janine Gutierrez na siyang pinatutungkulan niya.

With this in mind, umani ng pang-unawa ang malungkot na kalagayan ni Paulo.

Nagkakaisa ang mga netizens na hindi priority ni Janine si Paolo kundi option lang.

Again, feeling lang nila ito. We never know exactly kung para kay Janine nga ‘yon. Ronnie Carrasco III