Paulo, umaming naghihintay kay Janine!

Paulo, umaming naghihintay kay Janine!

January 19, 2022 @ 2:05 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Mukhang napapadalas ang paglabas ni Paulo Avelino ng saloobin about him and Janine Gutierrez.

“Si Janine lang naman po ‘yung hinihintay ko lagi, eh,” sagot ni Avelino nang tanungin sa digital media conference ng ‘Marry Me, Marry You’ kung may balak ba silang ipasa-totoong buhay ang onscreen loveteam nila ni Janine.

Marami ang kinilig dito pero ang aktres, hindi pa rin nagbigay ng statement about this.

Pareho lang nilang tinawanan ang tanong kung totoo bang dinededma niya ang aktor.

Bukod sa kilig, hoping rin ang fans and supporters ng dalawa na mag ala-Cherry Pie Picache at Edu Manzano sila na nabuo ang real life pagmamahalan sa set ng nasabing serye.

Uuuy! G lol. Paula Jonabelle Ignacio