Paunti-unting pag-inom ng alak, mas nakakamatay!

Paunti-unting pag-inom ng alak, mas nakakamatay!

October 6, 2018 @ 3:29 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Sa mga naunang pag-aaral, sinasabi na ang pag-inom ng alak ng paunti-unti ay nakababawas ng heart-related problems. Gayunpaman, ayon sa bagong pag-aaral, ang pag-inom araw-araw ay nakapagpapaalis ng nasabing benepisyo at sa katunayan ay nakapagpapabilis pa ng pagkamatay ng isang tao.

Ayon sa pag-aaral ng isang team mula sa Washington University School of Medicine sa St. Louis, natuklasan na ang araw-araw na pag-inom ng alak ay nakapagpapataas ng tiyansang magkaroon ng cancer at nakapagpapabilis din ng buhay ng isang tao.

Ang pag-aaral ay inilathala sa Alcoholism: Clinical & Experimental Research journal nitong Miyerkules, Oct. 3.

Sinuri ng team ang mga datos mula sa 340,668 National Health Interview Survey participants, edad 18 hanggang 85 at karagdagan pang 93,653 participants, edad 40 hanggang 60 na outpatients sa Veterans Administration clinics sa United States. Nakasentro ang pag-aaral sa light drinkers, mga indibidwal na umiinom lamang ng isa hanggang dalawang alak kada araw.

Inaprubahan ng mga researchers ang mga naunang pag-aaral na ang pag-inom ng kaunti ay nakapagpapaganda sa cardiovascular health. Gayunpaman, ang pag-inom naman ng araw-araw ay nakapagpapabilis ng pagkamatay dahil sa cancer.

“Consuming one or two drinks about four days per week seemed to protect against cardiovascular disease, but drinking every day eliminated those benefits,” ayon sa awtor ng pag-aaral at assistant professor of psychiatry, Sarah M. Hartz sa isang statement.

“With regard to cancer risk, any drinking at all was detrimental.”

Natuklasan ng mga researcher na mga indibidwal na uminm ng paunti-unti, umiinom lamang ng isa hanggang dalawang alak sa apat o mahigit pang araw kada linggo, ay mas mataas ang tiyansa na mamatay ng maaga ng 20% kumpara sa mga umiinom ng tatlong beses kada linggo o mas kaunti pa.

Ang pagtaas ng mortality death ay consistent sa lahat ng edad sa lahat ng grupo na kaugnay sa study.

“A 20 percent increase in risk of death is a much bigger deal in older people who already are a higher risk,” ayon kay Hartz sa statement.

“Relatively few people die in their 20s, so a 20 percent increase in mortality is small but still significant. As people age, their risk of death from any cause also increases, so a 20 percent risk increase at age 75 translates into many more deaths than it does at age 25.”

“It used to seem like having one or two drinks per day was no big deal, and there even have been some studies suggesting it can improve health.’/Remate News Team