PAWS sa publiko: Mga alagang hayop ‘wag ikadena pag may sakuna

PAWS sa publiko: Mga alagang hayop ‘wag ikadena pag may sakuna

November 13, 2020 @ 6:04 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hinikayat ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang publiko na huwag ikadena o ikulong ang kanilang mga alagang hayop sa kapag may sakuna.

“Give animals a fighting chance during disasters,” saad ng grupo sa Facebook post.

“Unchain your dogs and unlock their cages if you cannot evacuate with them during times of emergencies or disaster.”

Nauna na ritong namahagi ang kanilang disaster response team ng relief goods sa mga hayop at residenteng apektado na lubos na binaha ng bagyong Ulysses.

Nanawagan din ang grupo sa mga donasyon na kanila namang ipamimigay. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...