Payapang resolusyon hangad nina PDu30, Xi sa Russia-Ukraine war
April 9, 2022 @ 2:00 PM
3 months ago
Views:
201
Shyr Abarentos2022-04-09T12:14:06+08:00
MANILA, Philippines- Umaasa sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Chinese President Xi Jinping ng peaceful settlement sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ito’y matapos na kapwa aminin nina Pangulong Duterte at Xi sa isinagawang telesummit, ang kanilang labis na pag-aalala sa nasabing girian ng Russia at Ukraine.
“President Duterte and President Xi expressed deep concern over developments in other parts of the world, including in Ukraine. The two Presidents renewed the call for a peaceful resolution of the situation through dialogue in accordance with international law,” ayon sa kalatas na ipinalabas ng Office of the President (OP).
Isinagawa ang virtual meeting nina Pangulong Duterte at Xi sa naging pananakop ng Russia sa Ukraine sa gitna ng kanilang labis na pag-aalala na posibleng mag-spillover ang giyera sa Asya kabilang na ang Pilipinas at China.
Samantala, pinag-usapan naman nina Pangulong Duterte at Xi ang long-standing territorial dispute sa pagitan ng Pilipinas at China sa South China Sea (SCS).
Kapwa sumang-ayon sina Pangulong Duterte at Xi, na plantsahin ang alitan “diplomatically” at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa strategic waters.
“The leaders stressed the need to exert all efforts to maintain peace, security, and stability in the South China Sea by exercising restraint, dissipating tensions, and working on a mutually agreeable framework for functional cooperation,” ayon sa Malakanyang.
Araw ng Martes, tiniyak ng Chief Executive sa China ang magandang ugnayan ng Pilipinas dito (China), sabay sabing ang dalawang bansa ay hindi dapat na nag-aaway dahil sa kanilang “overlapping claims” sa SCS.
Inulit naman ng OP ang kamakailan lamang na pahayag ng Punong Ehekutibo na nananatili ang commitment ng dalawang lider na maghanap ng “positive engagements” para ayusin ang maritime disputes.
“Both leaders acknowledged that even while disputes existed, both sides remained committed to broaden the space for positive engagements, which reflected the dynamic and multidimensional relations of the Philippines and China,” ayon sa Malakanyang.
Kapuwa binigyang diin nina Pangulong Duterte at Xi ang kahalagahan ng pagpapatuloy na “discussions and concluding” ng Code of Conduct sa South China Sea.
“Both leaders reaffirmed the centrality of Asean (Association of Southeast Asian Nations) and renewed the commitment to bring peace, progress, and prosperity in the region,” ayon sa Malakanyang.
Kapuwa rin kinilala nina Pangulong Duterte at Xi ang nangyaring improvement sa relasyon ng Maynila at Beijing sa ilalim ng liderato ni Pangulong Duterte.
“The leaders took stock of and reviewed Philippines and China ties over the last six years and described the trajectory of relations as one that is positive and created greater space for partnership and cooperation,” ayon sa OP.
Sa kabilang dako, kinilala rin ng dalawang lider ang ganansiya o narating ng Philippines at China’s economic at infrastructure cooperation, kapuwa sumang-ayon na pagbutihin ang two-way trade at investments, at maging ang patuloy na partnership para sa “Build, Build, Build” infrastructure program ng gobyernong Duterte.
“The leaders also stressed the need to open up access to goods and services and work for a balance of trade that would reflect a healthy state of economic partnership,” dagdag na pahayag nito.
Kapuwa rin kinilala nina Pangulong Duterte at Xi ang kahalagahan ng mutual support para talunin ang coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Kapuwa binigyang diin ng dalawang lider ang pangangailangan na gawing available ang mga bakuna sa mga bansang may mababang suplay at matiyak ang “global and regional economic recovery.”
“The leaders committed to work even more closely to defeat the Covid-19 pandemic and agreed to explore constructive ways to jumpstart interaction and exchanges through, among others, mutual recognition of vaccine certificates, streamlining health protocols, and resumption of commercial flights,” ayon sa OP.
Samantala, pinag-usapan din nina Pangulong Duterte at Xi ang iba pang global at regional issues, kabilang na ang pangangailangan na tugunan ang climate change.
“President Duterte and President Xi also agreed on the need for both the Philippines and China to work closely together to address the impacts of climate change and to ensure that the voice of the developing world will be heard in all relevant climate change fora,” anito.
“The two leaders, also considered the elevation of Philippines-China bilateral relations into a Comprehensive Strategic Cooperation as a “milestone achievement that demonstrated the commitment of the Philippines and China to continue building on the gains of the previous years towards the future,” ayon pa rin sa OP.
Inilarawan naman ng Malakanyang ang “hour-long telesummit” bilang “open, warm, and positive.”
Kasama naman ni Pangulong Duterte sa virtual summit sina Climate Change Commission vice chairperson Secretary Robert Borje, Acting Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro, at Deputy Assistant Secretary Myca Magnolia Fischer ng Department of Foreign Affairs’ Office of Asian and Pacific Affairs. Kris Jose
June 25, 2022 @5:00 PM
Views:
40
Bulacan- Patay ang isang lalaking nanloob ng isang covenience store na pumalya ang baril sa mga rumespondeng pulis habang nakatakas ang kanyang kasamahan sa bayan ng Paombong.
Sa inisyal report ng Paombong police, bandang alas-3:10 ng madaling araw nitong Hunyo 25, naganap ang panghoholdap ng dalawang hindi nakilalalang lalaki sa Alfamart sa Brgy.San Isidro 1.
Ayon sa report ng pulisya, isang tawag sa cellphone ng store crew ang kanilang natanggap na nagsabing nilooban sila ng dalawang lalaki na kapwa armado ng baril.
Dahil dito, agad rumesponde ang mga pulis sa lugar hanggang sa maabutan ang dalawang lalaking nagmamadaling lumabas sa naturang tindahan.
Sa pagmamadali, naiwanan ng isang suspek lulan ng motorsiklo ang kanyang kasamahan na nagtatakbo palayo.
Nang mag-abot sa ‘di kalayuan ay tinutukan at sinubukang nang tumatakbong suspek na kalabitin ang gatilyo ng baril sa mga tumutugugis na pulis subalit nag-jammed ito.
Dahil dito, mabilis na pinaputukan ng pulis ang suspek na napuruhan at agad na namatay sa gilid ng kalsada.
Siinusulat ito patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek. Dick Mirasol III
June 25, 2022 @4:47 PM
Views:
40
MANILA, Philippines- Nag-usap sina Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo Founder Joey Concepcion at Quezon City Mayor Joy Belmonte sa “Negosyo 3M” program event sa SM North Edsa the block, nitong Sabado.
Ang Go Negosyo ay adbokasiya ng Philippine Center for Entrepreneurship (PCE) upang tugunan ang kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng entrepreneurship. Danny Querubin
June 25, 2022 @4:45 PM
Views:
36
MANILA, Philippines- Nais ni incoming Migrant Workers Secretary Susan Ople na magkaroon ng joint agreement sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang maiwasan ang overlap sa awtoridad.
Sinabi ni Ople na nakipag-usap na siya kay incoming Labor chief Bienvenido Laguesma upang bumuo ng joint department order na maglilinaw kung aling departamento ang may hurisdiksyon kapag nag-intersect ang OFW at labor concerns.
“Kanino kukuha ng order, kasi doon nagkaproblema. Sino ba susundin namin? ’Yun aayusin namin ’yon,” aniya nitong Sabado.
Matatandaang nitong Abril ay nagkairingan ang Department of Migrant Workers (DMW) at DOLE ukol sa deployment ng Filipino workers sa Saudi Arabia, na mitsa ng kalituhan sa mga manggagawa.
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Disyembre 2021 ang pagbuo ng DMW,isang departmento na nakalaan para sa kapakanan ng migrant workers at mga Pilipino sa ibang bansa. RNT/SA
June 25, 2022 @4:30 PM
Views:
36
MANILA, Philippines- Iginiit ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) nitong Sabado na walang awtoridad ang National Telecommunications Commission (NTC) na i-block ang ilang news websites base sa hiling ng National Security Adviser.
Sinabi ng IBP na ang NTC “cannot restrict access” sa mga miyembro ng media batay sa alegasyon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, at inilarawan ang aksyon na “drastic” at isang “shortcut” upang patahimikin ang press.
“To take down the websites is to muzzle their owners. Such a drastic move can’t be anchored on statements that in court would be treated as hearsay,” pahayag ng IBP.
“Neither may it extend the scope of the Anti-Terrorism Council’s designation order to ‘affiliates’ at the barest invocation of terrorism,” dagdag nito.
Matatandaang hiniling ni Esperon sa NTC na i-block ang websites na may kaugnayan umano sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), kung saan kabilang ang websites ng mga progresibong grupo at independent media.
Saklaw ng NTC order, na may petsang Hunyo 8, ang halos 30 websites, kabilang na ang kay CPP’s founding chairman Jose Maria Sison at ang Philippine Revolution Web Central.
Kasama rin ang mga sumusunod na websites sa listahan: Save Our Schools Network, Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), Pamalakaya Pilpinas, Bulatlat at Pinoy Weekly.
Pinuno naman ng news outfits ang NTC at si Esperon, at sinabing wala man lamang due process bago i-block ang mga website.
“The [National Security Council’s] letter-request, bereft of legal basis, only serves to embarrass the outgoing administration,” ayon sa IBP.
“The Supreme Court has already affirmed the constitutionality of [Anti-Terrorism Act’s] designation process. The NSC is encouraged to use the fruits of this victory and file the proper cases and requests for designation instead of resorting to censorial shortcuts,” dagdag ng grupo. RNT/SA
June 25, 2022 @4:15 PM
Views:
45
MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine military nitong Sabado na sa kabila ng shadowing at radio challenges mula sa Chinese Coast Guard vessel, ang Western Command (WESCOM) “successfully rotated troops and reprovisioned the beached BRP Sierra Madre (LS 57) in the Ayungin Shoal.”
Nadala rin ang mga suplay sa Ayungin detachment sakay ng indigenous boats na Unaizah Mae 2 at 3 mula Hunyo 20-22, 2022.
Nakarating na rin ang bagong batch ng mga tauhan sakay ng Sierra Madre, upang siguruhin ang presensya ng Pilipinas sa Kalayaan Island Group.
Matapos ang matagumpay ng resupply mission, nagsumite ang WESCOM ng ulat sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) sa presenya ng Chinese vessels sa Kalayaan Island Group.
Matatandaang noong Disyembre 2021, iginiit ng China na alisin ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre mula sa Ayungin Shoal. RNT/SA