PBA coach na walang utang na loob

PBA coach na walang utang na loob

November 21, 2020 @ 10:46 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nanggigigil sa galit ang isang Pinay na US citizen sa isang PBA coach na dati nitong tinulungan upang makapagtrabaho sa Amerika noong panahong wala pa itong career.

Ayon sa insider, ipinakilala ang babae sa dating player, isa na ngayong coach sa PBA, ng mga dating kasamahan nito sa paglalaro.

Agad umanong nakuha ng coach ang loob ng babae hanggang sa maging magsyota na ang dalawa.

Pero nang makaipon umano ang basketball coach dahil sa pagtatrabaho sa Amerika ay bigla itong umuwi ng Pilipinas at iniwan ang kawawang Pinay na buntis.

Nagalit ang mga player sa coach dahil hindi nila akalain na gagawin ito ng dating player na buntisin ang girl at biglang iiwan na lamang ito sa ere sa ganoong kalagayan.

Ngayon maganda ang career ng dating  player bilang head coach, naaalala pa kaya niya ang kanyang anak sa babae na minsan tumulong sa kanyang noong walang-wala siya. HULA WHOOPS? Dwayne Rituel


  •  
  •  
  •  

Loading...