PBA, inaming may mali sa naging laban ng Beermen at Aces kagabi

PBA, inaming may mali sa naging laban ng Beermen at Aces kagabi

July 23, 2018 @ 7:59 PM 5 years ago


PBA – Inamin ng PBA na mali sila sa hindi pagtawag kay Alex Cabagnot sa fourth quarter ng laban ng San Miguel Beer at Alaska sa Commissioner’s Cup semifinal series, Linggo ng gabi (July 22).

Nakuha ng Beermen ang panalo sa iskor na 104-99.

Nag-double-dribble umano si Cabagnot sa unahang bahagi ng 4th quarter nang magtangka itong mag-dribble sa likod niya.

Inamin naman ni League technical director Eric Castro, na nagkamali si referee Noy Guevara dahilan para umabante ang SMB ng sampung puntos, 83-73.

“When Cabagnot made the behind-the-back dribble, Ref Guevarra missed to call a double dribble,” paliwanag ni Castro.

Inako naman ng liga ang responsibilidad matapos na umapela si Aces coach Alex Compton.

“He was not in the correct position to make that call bec. he was aligned. But it’s not an excuse,” depensa ni Castro. (Remate News Team)