PBA: Magnolia  handa na sa do-or-die Game 6

PBA: Magnolia  handa na sa do-or-die Game 6

August 13, 2022 @ 6:13 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Handa na ang Magnolia Hotshots sa pagsabak sa do-or-die Game 6  kontra sa Talk N’ Text sa kanilang best-of-7 PBA Philippine Cup semifinals na gaganaping muli sa Araneta Coliseum.

Matatandaan nitong Biyernes ay nakahinga pa ng kaunti ang Hotshots na talunin nila sa Game ang TNT, 105-97.

Humugot ng lakas ang Magnolia kina Mark Barroca, Calvin Abueva, Paul Lee, at Ian Sangalang upang talunin ang Texters.

Umiskor si Barroca ng 25 points, 6 rebounds at 4 assists habang si  Abueva ay may 16 markers, 10 boards, at 5 assists habang sina  Sangalang at Lee ay may tig-16 puntos din.

Nagawa ng Magnolia na pigilan sina Mikey Williams at Jayson Castro upang masiguro ang ikalawa nilang panalo sa serye.

Lumamang ang Hotshots ng halos 16 points, pero  nagawang habulin ng TNT saiskor na  82-85 sa simula ng 4th quarter sa pangunguna ni Castro.

Pero hindi nagpapigil ang Magnolia upang ipanalo ang kanilang ikawalang game sa labang unahan sa apat na panalo.

Nagtapos si Castro na may 18 point para sa Texters.

Ikinatuwa naman ni Magnolia coach Chito Victolero ang panalo ng Hotshots dahil lumaban umano ang Hotshots kontra sa Texters.

“Just credit to all the players. Backs against the wall, do-or-die, but our mental toughness nandoon,” ani  Victolero.

“Talagang trinabaho namin ito from our preparations yesterday until today,” dagdag ni Victolero. “We lived another day so wala kaming dapat i-celebrate because down pa rin kami sa series.”

ANG ISKOK

MAGNOLIA 105 – Barroca 25, Abueva 16, Lee 16, Sangalang 16, Jalalon 15, Dionisio 10, Dela Rosa 3, Reavis 2, Escoto 2, Wong 0

TNT 97 – Castro 18, Rosario 17, Erram 16, M.Williams 13, Pogoy 13, Khobuntin 12, K.Williams 6, Montalbo 2, Reyes 0, Ganuelas-Rosser.JC