PBA nilayasan ni Fil-Am Roosevelt Adams

PBA nilayasan ni Fil-Am Roosevelt Adams

September 9, 2022 @ 3:50 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Kasama na si Roosevelt Adams sa mga idaragdag sa PBA exodus.

Ayon sa ulat, ang 28-anyos na Filipino-American wingman ay pumirma ng isang taong kontrata sa Kagawa Five Arrows sa second division ng Japan B.League.

Matatandaang noong Enero pa sumingaw ang paglipat ni Adams sa Japan, ilang linggo lamang matapos niyang tanggihan ang dalawang taong alok na extension ng kontrata ng mother team na Terrafirma.

Base sa pinirmahan nitong kontrata sa Japan, may clause itong pwede siyang maglaro sa Gilas Pilipinas kapag tinawag.

Ang 6-foot-5 na si Adams ay naglaro para sa pambansang koponan laban sa Saudi Arabia sa Agosto window ng Fiba World Cup qualifiers.JC