PBA, pagmumultahin ang mga player ng SMB at Brgy. Ginebra

PBA, pagmumultahin ang mga player ng SMB at Brgy. Ginebra

August 1, 2018 @ 8:12 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Inanunsiyo ng PBA na pagmumultahin nila ang mga manlalaro ng San Miguel Beer at Barangay Ginebra dahil sa naganap na Game 2 ng Commissioner’s Cup finals noong Linggo.

Nanalo ang San Miguel sa mainit na labanan sa iskor na 134-109, ngunit sa gitna ng laro, napatalsik sa sina Chris Ross at Arwind Santos.

Kahapon, inanunsiyo ng PBA na kailangan magmulta ni Ross ng P2,600 dahil sa dalawang technical fouls habang si Santos naman ay magmumulta ng P5,000 dahil sa flagrant foul – penalty 2 – ngunit ibinaba sa penalty 1.

Ang import naman ng SMB na si Renaldo Balkman ay pagmumultahin ng P5,000 dahil din sa flagrant foul penalty 1 sa kaparehong laban.

P1,000 naman ang imumulta ni Ginebra forward Kevin Ferrer sahil sa technical foul para sa second motion habang ang beteranong si Joe Devance ay magmumulta ng P1,000 matapos mabigyan ng technical for second motion upon review.

Magaganap ang Game 3 ng best-of-7 series ngayong Miyerkules sa Araneta Coliseum. Remate News Team