PBA papayagan na si Kiefer na maglaro sa Japan?

PBA papayagan na si Kiefer na maglaro sa Japan?

July 8, 2021 @ 8:45 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Tahimik ang PBA Board  sa resulta ng kanilang katatapos na board meeting na ayon sa insider ay hindi maganda ang naging resulta.

Tinawag ng insider ang meeting na ‘bit ugly’  matapos pag-usapan ang problema nakapalibot sa pagpirma ni Kiefer Ravena sa Japan at pagsulot sa iba pang PBA players para maglaro sa liga sa loob ng Asian region.

May lumabas pang ulat na maaaring pagmultahin ng PBA ang NLEX dahil sa pagpayag ng koponan na pumirma si Ravena sa Japan B-League sa kabila na may kontrata ito sa Road Warriors.

Dahil sa pangyayari, may posibilidad umano na payagan na ng PBA na maglaro si Kiefer sa Japan kung saan nagpahayag ang fans na sabik na silang makita ang banggaang Ravena brothers sa B-League.

Ayon sa ulat, magkakaroon ng back-to-back opener matchups sa pagitan ng San-en NeoPhoenix at Shiga Lakestars sa October 2 at 3.JC