PBA pinagtatawanan ng guest team na  Bay Area Dragons

PBA pinagtatawanan ng guest team na  Bay Area Dragons

November 20, 2022 @ 2:44 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Malinaw na mahina ang mga teams sa Philippines Basketball Association dahil sa patuloy na pamamayagpag ng guest team na Bay Area Dragons ng Hong Kong na hawak ngayon ang liderato sa standing sa 2022 PBA Commissioner’s Cup.

Huling nakatikim sa lupit nang hagupit ng Dragons ang Magnolia Hoshots Pambansang Manok, 95-89, sa kanilang paghaharap noong Sabado sa PhilSports Arena sa Pasig.

Marami ang nagsasabi na pinagtatawanan lang ng Dragons ang PBA na isang professional team sa Pilipinas na ngayo’y kanilang inilalampaso sa laro.

Ayon sa ulat, ang mga mahuhusay na dapat sana ay maglalaro sa PBA at mga dating manlalaro ay nagpasyang subukin ang swerte sa ibang bansa na nagbabayad sa kanilang ng tatlo o apat na doble kumpara sa sinusweldo sa PBA.

Alam ng mga manlalaro na maigsi lang ang kanilang career sa larangan ng basketball dahil prone sila sa injury lalo pa at physical na laro ang basketball kaya naisip nilang maglaro sa ibayong dagat upang agarang kumita ng mas malaki na magsisilbing kanilang retirement benefits at pambuhay ng pamilya.

Babalik sa aksiyon ang Dragons sa Miyerkules laban sa TNT Tropang Giga, habang makakalaban ng Magnolia ang Meralco Bolts sa Nobyembre 27.JC