PBA superstar tinorotot ng GF

PBA superstar tinorotot ng GF

August 6, 2020 @ 11:39 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Totoong lahat ng swerte sa paglalaro ng basketball ay hinakot na ng manlalarong ito sa Philippine Basketball Association (PBA) lalo pa at marami na itong  naiuwing karangalan, pero sa larangan ng pag-ibig ay sinalo naman nito ang lahat ng kamalasan.

Sabi nga, walang malaking tao sa pag-ibig lalo na kapag nakakita na si babae o si lalaki ng iba na mas makapagpapatibok ng kani-kanilang babasaging puso.

Ito ang nangyari sa relasyon ng sikat na sentro sa professional league at sa kanyang pinakamamahal at pinagmamalaking syota.

Ayon sa ating impormante, huling-huli umano ng higanteng basketbolista ang nobya sa “text” na may iba nang  sinasamahang lalaki na naging dahilan ng pagtatalo, pag-aaway na sa huli ay nauwi sa mapait na hiwalayan.

‘Di mo aakalain na maghihiwalay ang dalawa sapagkat kulang na lang sa kanila ay kasal para maging ganap na mag- asawa sabi nga ng iba ay “sobrang cheesy” na ang mag-syota.

Kilala na si girl sa pamilya ng player, gayundin si lalaki sa pamilya naman ni babae. Buong akala ng mga fan ng player na noong magkabalikan ang dalawa ay tuloy-tuloy na muli ang kanilang relasyon.

Pero malungkot mang sabihin, walang nangyari at nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang balikan.

Makikitang happy si girl sa kanyang bagong BF na foreigner sa kasalukuyan, habang si player, nagpapagaling ngayon sa injury, ay naghahanap ng bagong karelasyon.

Isa nga rin umano sa mga  dahilan kung bakit sumuko sa relasyon ang babae dahil ayaw ng mga magulang ng basketbolista sa kanya dahil ito ay may ugaling BILI MO KO N’YAN. Dwayne Rituel


  •  
  •  
  •  

Loading...