PBA Team may baong malas

PBA Team may baong malas

December 13, 2021 @ 9:21 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Wala pa ring  panalo hanggang ngayon ang tinatawag na isa sa farm team dahil isa umano itong tapunan ng laos na players.

Pero kahit sabihing farm team ito, sa mga marunong manood ng basketball, ay malakas pa rin ang koponang ito.

Nadagdagan pa nga sila ng isang shooter na player na siyang tumutulong sa koponang ito. Iyon nga lang kahit anong kayhod ng bagong saltang player sa team ay talo pa rin.

Hindi kaya napapansin ng head coach  at ng  kanyang boss na sa bawat game ng team ay lagi silang magkatabi sa upuan.

Bakit kaya di sila magpa hiyang, subukan nilang maghiwalay ng upuan at baka sakaling sa paghihiwalay nila ng upuan ay matanggal ang malas sa team.

Kasi maganda naman ang laro ng mga manlalaro ng koponan. Sa huling buzzer ng quarters dun nadadali ang team na ito. HULA WHOOPS? Dwayne Rituel