PBA: TnT sunog sa Dragons

PBA: TnT sunog sa Dragons

November 23, 2022 @ 6:23 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nilapa ng Bay Area Dragons ang nanghihinang h Talk ‘N Text, 140-108, para makapasok sa top 2 ng quarterfinals sa PBA Commissioner’s Cup ngayong Miyerkules.

Sa panalo, nakakuha ang Dragons ng twice-to-beat na bonus para  sa susunod na round.

Nanguna si Myles Powell sa Bay Area, umiskor ng 29 sa kanyang 37 puntos sa unang kalahati.

Nagtala rin siya ng 6 na rebounds, 7 assists, at isang steal habang itinaas ng Dragons ang kanilang record sa 10-2.

Ang kanilang bagong import na si Matt Mobley ay umiskor ng 38 puntos.

Pumuntos naman sina Poy Erram at Roger Pogoy ay umiskor ng tig-16 markers habang si Mikey Williams ay nag-settle ng 11 sa  naging pagkatalo.

Naglaro ang TNT nang wala ang kanilang best player na si Jayson Castro.RICO NAVARRO