PBA tuloy na; go-signal binigay ng IATF

PBA tuloy na; go-signal binigay ng IATF

September 25, 2020 @ 9:37 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Binigyan na nang go-signal ng Inter-Agency Task Force on Infectious Disease (IATF) ang Philippine Basketball Association (PBA) para sa muling pagbubukas ng 45th season ng liga.

Ayon sa PBA, binigyan na rin sila ng IATF ng provisional authority para i-set-up ang bubble ang Clark, Pampanga.

“Pinayagan na ang scrimmages, pinayagan na ang games. Tuloy-tuloy na, dere-derecho na,” ani PBA commissioner Willie Marcial.

Nilinaw naman ni IATF Deputy Chief Implementer Vince Dizon na lahat ng aktibidad ng PBA ay dapat gagawin lamang sa loob ng PBA bubble.

Binigyan diin ni Dizon na ang ibinigay ng IATF ay provisional authority lamang dahil kailangan pareho ang ipatutupad na protocol mula sa inilatag sa Joint Administrative Order (JAO).

“‘Yung kasing mga protocol doon sa JAO at protocols sa PBA bubble, mas istrikto ‘yung PBA protocols kesa protocol sa JAO. Kailangan lang amyendahin ‘yung protocols na ‘yun,” ani Dizon. “Since mas strict ‘yung sa PBA, may authority na ang PBA na mag-begin. Kailangan i-adjust ‘yung agreement (JAO) para mag-reflect ‘yung sa PBA Bubble.”

Ayon sa PBA, mula sa planong October 9 na restart ay nagkasundo silang simulan ang liga sa October 1. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...