PBA: Liga magsisimula sa ilalim ng GCQ

PBA: Liga magsisimula sa ilalim ng GCQ

August 1, 2020 @ 8:45 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Ikinatuwa umano ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial ang pananatili ng Metro Manila sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) dahil siguradong masisimulan na umano ang liga.

Ibig umanong sabihin nito ay nasa tamang landas ang liga para sa pagsisimula ng season matapos na ilang buwan ding nasuspinde dahil sa paglaganap ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Marcial, unti-unting magbabalik sa training ang 12 ball clubs kapag natapos na ang coronavirus tests nila sa August 7.

“As soon as the teams take the swab tests and get the results, it’s a go,” ani Marcial.

“Kay Presidente na galing na malapit na ang vaccine, so lalong lumilinaw ang pag-asa ng PBA na makabalik,” ani Marcial.

Base sa anunsyo ng Palasyo, mananatili ang National Capital Region (NCR) sa ilalim ng GCQ kasama ang Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Talisay City, Zamboanga City at Minglanilla at Consolacion towns sa Cebu province.

Inaasahang magbabalik aksyon ang PBA at iba pang professional league kapag niluwagan ang lockdown sa Metro Manila at ilagay ito sa modified general quarantine. Rico Navarro

Comments (2)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...