PBA:Reavis magpapabakuna, kasama na sa Hotshots

PBA:Reavis magpapabakuna, kasama na sa Hotshots

December 16, 2021 @ 12:06 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Magpapabakuna na si veteran center Rafi Reavis kontra COVID-19 para makabalik sa koponan ng Magnolia Hotshots.
Ito ang isiniwalat ni Magnolia coach Chito Victolero matpos ang debut ng Hotshots 2021 PBA Governors’ Cup campaign kung saan dinemolis nito ang TerraFirma Dyin sa iskor na 114-87 nitong Miyerkules ng gabi sa Araneta Coliseum.
Una nang isinama si Reavis sa line-up ng Magnolis sa season-ending conference pero hindi ito nakalaro kontra Dyip dahil nasa US pa ito at may marka pa itong unvaccinated.
Ayon sa ulat, mahigpit ang patakaran ng PBA kung saan hindi ka papayagang makapaglaro kung ikaw hindi bakunado bilang pagsunod sa atas ng IATF at local government units kaugnay sa pagdaraos ng games.
“I talked to Rafi, I think last weekend. He is scheduled (to be vaccinated) on … the 17th,” ani Victolero. “It’s one dose, only, one shot. It’s Johnson&Johnson vaccine.”