PBBM 1ST 100 DAYS

PBBM 1ST 100 DAYS

October 11, 2022 @ 3:55 PM 2 months ago


MATATANDAANG sa inaugural speech ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. maging sa 1st Cabinet Meeting ay kanyang sinabi ang mahigpit na direktiba na pagnanais na mapabilis pa ang serbisyo ng gobyerno sa mamamayan.

Maagap namang tumugon ang cabinet secretaries ng bawat departamento upang maiparamdam ng Marcos administration ang layunin nito.

May political will ang Pangalawang Pangulo at Department of Education Secretary Sara Dutert- Carpio sa matagumpay na pagbabalik ng face to face classes sa buong bansa.

Ang kapwa Remate columnist at mamamahayag na ngayo’y Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo ay maagap sa pagbisita at paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo at lindol. Idagdag pa ang pagkakaroon ng proyektong educational assistance sa mga mag-aaral sa buong bansa.

Ang isa sa mga Boss ko sa amin sa Cavite na si Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ay naglunsad ng all out war versus on line sexual exploitation sa mga nasa likod nito para pangalagaan ang mga kabataang biktima nito.

All out war din ang iniatas niya sa National Bureau of Investigation upang labanan ang iligal na Philippine Offshore Gaming Operators.

Sa DOJ pa rin, deportation ang kinaharap ng may 300 illegal Chinese na overstaying sa bansa nasangkot din sa ilang iligal na gawain sa POGOs.

Pinalaya ng DOJ sa tulong ng Public Attorneys’Office ang kwalipikadong malaing bilang na 371 na Persons Derived Liberty noong Setyembre 13, 2022, habang tinatarget din ang pagpaatayo ng DOJ ng makataong prison facility sa Nueva Ecija.

Sa pagtungo sa ibang bansa, si PBBM ay nakapaghikayat ng mga dayuhang mamumuhunang makakapagdagdag ng trabaho sa ating mga kababayan.

Inaprubahan din ni PBBM ang mga dambuhalang proyektong pangkaunlaran gaya ng dagdag na kalsada, tulay, paliparan, airport at isa na rito ang sisimulang subway sa Metro Manila mula North Caloocan sa Bulacan to NAIA at sa 2nd phase ay NAIA to Dasmariñas sa Cavite.

Ganoon din ang planong train project mula Clark hangang Calamba habang umaarangkada na ang train mula Calamba, Laguna to Lucena City, Quezon.

Kaya sa kabila ng ilang kritisismo sa administrasyong Marcos, hindi rin naman maikakaila na may nagagawa ang gobyernong ito para sa mamamayan at sa bayan.