PBBM: Admin tulungan sa laban vs karahasan sa mga kababaihan

PBBM: Admin tulungan sa laban vs karahasan sa mga kababaihan

November 16, 2022 @ 3:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kababaihang mambabatas na  tulungan ang administrasyon na tapusin ang karahasan laban sa mga kababaihan.

Ang panawagan ay inihayag ng Pangulo sa  isinagawang oath-taking ceremony ng newly-elected officers ng  Association of Women Legislators Foundation, Inc. (AWLFI) sa President’s Hall ng Palasyo ng Malakanyang.

“As you take your oath, remember the pledge that you will carry throughout your role as women leaders who will break barriers not only for your fellow legislators, but for every Filipina as well,” ayon sa Chief Executive.

“It is my hope that you will continue to support this Administration in preventing and eliminating violence against women and children, fostering a gender-sensitive form of governance, and promoting equal opportunity and employment for women,” dagdag na pahayag nito.

Ang mga kababaihang mambabatas na nanumpa sa harap ng Pangulo ay sina Congresswoman Yedda Marie Romualdez (Tingog Party List, AWLFI chairperson); Linabelle Ruth Villarica (Bulacan 4th District, AWLFI president); Florida Robes (San Jose Del Monte City, AWLFI senior vice president); Emmarie Ouano-Dizon (Mandaue City, AWLFI internal vice president); at Ma. Lucille Nava (Guimaras, AWLFI external vice president).

Ang AWLFI,  kinabibilangan ng  86-strong lady lawmakers sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ay isang permanent bloc  na  siyang  nakatutok sa  pagsusulong ng legislative agenda ng mga kababaihan sa pamamagitan ng pagla- lobby na maipasa ang batas na naglalayong bigyang kapangyarihan ang mga kababaihan sa  lahat ng sektor ng lipunan, at proteksyonan ang kapakanan ng mga kabataan sa komunidad.

“Since its inception in 2010, the AWLFI has already filed nearly 1,400 bills on e-governance, electronic commerce, telemedicine services, urban development and housing, fiscal policies, food security, education, health, disaster resilience, labor and employment, social services, protection against discrimination and abuse, and urgent amendments to existing laws,” ayon sa ulat.

Samantala,  pinuri naman ni Pangulong Marcos ang  mga miyembro ng AWLFI  sa pagsusulong ng mga ito sa social programs, kinabibilangan ng  fund-raising activities, relief operations at breast cancer awareness.

Umaasa naman si Pangulong Marcos na susuportahan ng AWLFI ang pagsisikap ng administrasyon na protektahan at i -promote ang kapakanan ng mga kababaihan at kabataan.

“These endeavors will serve as the building blocks of our dream to build a more equitable society. After all, we can only claim that we are truly progressive if everyone can be assured of a brighter future,” ayon sa Pangulo.

“I am confident that your pledge will translate into concrete actions, borne out of our collective promise to uplift the lives of every Filipino,” ayon sa Punong Ehekutibo. Kris Jose