PBBM admin tutok sa infra dev sa paglago ng ekonomiya

PBBM admin tutok sa infra dev sa paglago ng ekonomiya

March 19, 2023 @ 3:23 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Ibinahagi ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa American Chamber of Commerce of the Philippines (AmCham) na ang infrastructure development agenda sa pamamagitan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang tinututukan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Central to the Marcos Jr. administration’s growth strategy is infrastructure development. From this year until 2028, we aim to keep infrastructure spending above 5 percent of [gross domestic product] annually,” ani Diokno kasabay ng General Membership Luncheon Meeting ng AmCham sa Dusit Thani Hotel Makati nitong Marso 17.

Sa kasalukuyan ay mayroong P9 trilyon na halaga ng high-impact IFPs ang layong pagbutihin ang physical at digital connectivity, water resources, health, power at agriculture infrastructure.

“We expect to see a surge of quality and resilient jobs over the next few years as a result of these high-impact projects,” ani Diokno.

Upang suportahan naman ang pangangailangan ng bansa sa mga gastusin, ibinahagi ni Diokno na nakatutok ang bansa sa pagsusulong ng fiscal consolidation sa pamamagitan ng Medium-Term Fiscal Framework (MTFF).

Magkakaroon din ng malaking bahagi ang Public-Private Partnerships (PPPs) sa pagtulong sa bansa na mapanatili ang massive spending na hindi maisasaalang-alang ang fiscal space.

Umaasa naman ang pamahalaan na mamasiguro ang mga susunod na henerasyon sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund (MIF), na mahalagang salik umano para sa strategic at profitable investments sa key sectors.

“The Fund has the potential to play a key role in accelerating the implementation of the close to 200 infrastructure flagship projects recently approved by the NEDA Board,” ani Diokno. RNT/JGC