PBBM, best marketing strategist ng Pinas – Suarez

PBBM, best marketing strategist ng Pinas – Suarez

November 23, 2022 @ 4:32 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Maituturing ni Quezon Rep. David “Jay-Jay” Suarez si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na “best marketing strategist” ng Pilipinas.

Ito ay dahil umano sa matagumpay nitong pagpapakilala ng bansa at pag-uuwi ng mga pledge for investment at mga trabaho para sa mga Filipino kapag siya ay umuuwi ng bansa mula sa mga work-related trips sa ibang bansa.

Kasunod ang mensahe na ito ni Suarez sa matagumpay na byahe ni Marcos sa Bangkok, Thailand para sa APEC summit.

“President Marcos has again proven himself as the best marketing strategist of the country after his fruitful trip to Thailand. He was able to promote our country as an investment hub for food, agriculture and energy opportunities, among others,” aniya.

Matatandaan na kasabay ng summit, nagkaroon din ng samu’t saring bilateral meetings ang Pangulo sa mga counterparts nito sa Kingdom of Saudi Arabia, France, Australia, New Zealand, at China.

Inimbitahan din si Marcos ng mga ito na bisitahin ang mga kani-kanyang bansa.

“Our President was well received and widely applauded by leaders all over the world. Truly, he is a well-rounded political leader who can and will ably lead our country forward,” dagdag pa ni Suarez. RNT/JGC