PBBM, bibisita sa Indonesia, Singapore sa Setyembre

PBBM, bibisita sa Indonesia, Singapore sa Setyembre

August 19, 2022 @ 6:34 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang magsagawa ng state visit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga bansang Indonesia at Singapore sa Setyembre.

Unang bibisitahin ni Pangulong Marcos ang Indonesia mula Sept. 4 hanggang 6, at isusunod ang Singapore mula Sept. 6 hanggang 7, 2022.

“Wala pa tayong masyadong detalye, pero kinu-confirm po namin na tuloy ito,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Ang head of state ay magsasagawa ng state visit dahil na rin sa imbitasyon ng pinuno ng host country.

Sinabi ni Cruz-Angeles na tinanggap din ni Pangulong Marcos ang imbitasyon ni United States (US) President Joe Biden para bisitahin ang Washington.

Wala pang petsa ang naitatakda para sa magiging pagbisita ng Pangulo sa Washington.

“For the visit doon sa (to the) US, it’s still being worked out although nagsabi ang Pangulo na (the President said) he will be going. So, we will release the details on this as they come in,” aniya pa rin.

Buwan ng Hulyo, tinanggap ni Pangulong Marcos ang imbitasyon ng Chinese government na bisitahin ang China. Kris Jose