PBBM bibisita sa Japan sa Feb. 8-12

PBBM bibisita sa Japan sa Feb. 8-12

February 1, 2023 @ 12:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tuloy na tuloy na ang official working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan, mula Pebrero 8 hanggang 12, 2023.

Ang Japan para sa Malakanyang ay isa sa dalawang strategic partners ng Pilipinas.

Ito ay itinuturing na mahalagang “trade at investment partner” ng bansa.

Sa pre-departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA Assistant Secretary Nathaniel Imperial na ang byahe ng Chief Executive patungong Japan ay tugon sa imbitasyon ni Japan Prime Minister Fumio Kishida.

Ito ang kauna-unahang pagbisita ng Pangulo sa Japan simula nang maupo ito sa puwesto bilang halal na Pangulo ng bansa.

Kinokonsidera naman ng DFA ang pagbisita na ito ng Pangulo sa Japan bilang “consequential.”

Ang Japan pa rin ang unang bansa kung saan nabuo ang “strategic partnership” ng bansa at tanging isa sa dalawang strategic partners ng Pilipinas, ang isa ay ang bansang Vietnam.

Ang Japan din ang tanging bansa kung saan mayroong bilateral free trade agreement ang Pilipinas na tinawag na PH-Japan Economic Partnership Agreement.

Taong 2021, ang Japan ang “second largest trading partner” ng bansa, ang Pilipinas rin ang itinuturing na “third largest export market” at “second top source of imports.”

Ang Japan ay naging “biggest bilateral source” ng bansa pagdating sa aktibong official development assistance (ODA), nagbibigay ng concessional loans para tustusan ang mahalagang infra at capacity building projects, social safety net programs, education, agriculture at science and technology support, at maraming iba pang “high impact programs.”

Ang official working visit na ito ng Pangulo ay inaasahan na mapagtitibay at mas magpapasigla sa relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Layon nito na mapalawak pa ang full potential ng PH-Japan strategic partnership sa lahat ng aspeto at mapabilis ang “closer defense, security, political, economic, and people to people ties.”

“During the visit, we anticipate the signing of seven key bilateral documents or agreements covering cooperation in infra development, defense, agriculture and information and communciations technology- areas that are in president’s priority agenda,” ayon kay Imperial.

Samantala, makakasama naman ng Pangulo sa byaheng Japan nito sina Unang Ginang Marie Louise “Liza” Araneta Marcos, dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Senate President Juan Miguel Zubiri, House speaker Martin Romualdez, Secretary for foreign affairs enrique manalo, finance secretary benjamin diokno, Trade and industry alfredo pascual, energy sec rafael lotilla, tourism secretary cristina frasco, special assistant to the President Antonio Lagdameo Jr. and Secretary Cheloy Garafil at iba pang cabinet officials at underseceratries na magiging bahagi ng kanyang official delegation. Kris Jose