PBBM, Biden magkikita

PBBM, Biden magkikita

September 22, 2022 @ 6:57 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – KAABANG-ABANG ang nakatakdang pagkikita at pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at US President Joe Biden sa sidelines ng United Nations General Assembly sa Estados Unidos.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ito ang “first in-person discussion” sa pagitan ng dalawang lider.

“This is a momentous event for both countries as (it is) an opportunity to discuss 76 fruitful years of the Philippine-US alliance,” ayon kay Cruz-Angeles.

Inaasahang matatalakay ng dalawang world leader ang pagpapatatag ng relasyong Pilipinas-US na nasa 76 na taon na ng kooperasyon, pagpapayabong ng kalakalan, pamumuhunan sa ating bansa, at iba pang isyu na kinakaharap ng mundo.

Hindi naman binanggit ni Cruz-Angeles ang eksaktong petsa ng nasabing pulong. Kris Jose