PBBM, Biden nagdaos ng bilateral talks

PBBM, Biden nagdaos ng bilateral talks

September 23, 2022 @ 9:03 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay US President Joe Biden na mas pagbubutihin pa nito ang pakikipag-ugnayan sa Estados Unidos, itinuturing na longstanding ally ng Pilipinas.

Nangyari ito sa makasayaysang pagpupulong ng Pangulo kay Biden sa New York City.

“We are your partners, we are your allies, we are your friends. And in like fashion, we have always considered the United States our partner, our ally and our friend,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Biden sa isang pulong sa sidelines ng United Nations General Assembly (UNGA).

Wika pa ni Pangulong Marcos na ang Pilipinas at Estados Unidos ay mayroong matibay na ugnayan at samahan.

Nagpahayag din ito ng pag-asa na mas mapapalakas pa ng dalawang bansa na mapanatili ang kapayapaan sa kabila ng lahat ng mga suliranin na lumutang sa mga nakalipas na buwan.

“And I hope that we will be able to discuss further the roles that our two countries will play together and individually as we continue down that road,” ayon kay Pangulong Marcos.

Para naman kay Biden, hangad nito ang matibay na ugnayan sa Pilipinas matapos ang inilarawan niyang “rocky times” sa mga nakalipas na panahon.

“The relationship between the United States and the Philippines, to state the obvious, has very deep roots. We’ve had some rocky times but the fact is it’s a critical, critical relationship from our perspective,” ang sinabi ni Biden kay Pangulong Marcos.

Sinabi pa ni Biden na ang Pilipinas ay isa sa mga kaalyado ng Estados Unidos na mabilis na kumondena sa pananalakay ng Russia sa Ukraine.

“And we also thank you for your position on the war against Ukraine and — by Russia. And how it’s impacting energy prices and food prices. And we are working very hard to be able to do something about that,” ayon kay Biden. Kris Jose