PBBM, bumisita sa puntod ng ama sa Libingan ng mga Bayani

PBBM, bumisita sa puntod ng ama sa Libingan ng mga Bayani

August 10, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang puntod ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa Taguig City matapos ang pagdalo niya sa state funeral ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na binisita ni Pangulong Marcos ang puntod ng kanyang ama mula nang manumpa siya bilang ika-17 Pangulo ng bansa noong Hunyo 30.

Huling binisita ni Pangulong Marcos ang puntod ng kanyang ama noong Mayo 11, dalawang araw matapos ang May 9 elections. Noong panahon na Iyon, Siya ay presidential frontrunner.

Ang mga labi ni Marcos Sr. ay Inilibing sa LNMB noong Nobyembre 18, 2016 o 27 taon matapos ang kanyang kamatayan.

Ang mga labi ni Marcos Sr. ay binyahe mula sa Marcos Museum and Mausoleum sa Batac, hometown sa Ilocos Norte papunta sa LNMB. Kris Jose