PBBM bumisita sa puntod ng yumaong ama

PBBM bumisita sa puntod ng yumaong ama

November 2, 2022 @ 9:23 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Gaya ng milyon-milyong Filipino, hindi nakalimutan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng kanyang pamilya na bisitahin at magbigay-galang sa namayapang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) nitong Martes, Nobyembre 1.

Sa katunayan, isang misa ang isinagawa para kay Marcos Sr.

Kasama ng Pangulo ang kanyang asawa na si Unang Ginang Liza Araneta Marcos, ang kanyang ina na si dating Unang Ginang Imelda Marcos, kapatid na si Irene Marcos-Araneta, at iba pang miyembro ng pamilya.

Ang nasabing misa ay isinagawa bilang pagdiriwang ng Araw ng mga Patay o “Undas” — Ang “Araw Ng Mga Patay” ay ipinagdiriwang tuwing Nobyembre 2.

Ito’y isang katolikong pagdiriwang at tinatawag din itong “Undas”.

Sa pagdiriwang na ito, pinupuntahan ng mga Katoliko ang mga sementeryo upang magdarasal.

Ipinagdarasal nila ang mga Espiritu ng kanilang mga patay na kaibigan o miyembro ng pamilyang nasa Purgatoryo.

Kasabay ng misa, nag-alay din ng panalangin at mga bulaklak si Marcos sa puntod ng kanyang yumaong ama. Kris Jose