PBBM, dadalo sa anim na bilateral meetings kasabay ng APEC summit

PBBM, dadalo sa anim na bilateral meetings kasabay ng APEC summit

November 7, 2022 @ 2:44 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – May anim na bilateral meetings ang dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand.

“Yes, the President is having bilateral meetings with six counterparts. The arrangements are still being finalized so I’m not at liberty to disclose yet at this time which economies and leaders they are,” ayon kay DFA Assistant Secretary Eric Tamayo sa isang pnayam.

Napaulat na dadalo rin sa APEC Leaders Meeting si United States Vice President Kamala Harris na nakatakda sa susunod na linggo.

At sa tanong kung makakasama ni Pangulong Marcos sina United States Vice President Kamala Harris at Russian President Vladimir Putin, na dadalo sa summit, sinabi ni Tamayo na: “Right now, I can say that among the roster of bilateral meetings of the President that these meetings have yet to be explored for the time being.”

Nauna nang sinabi ng White House na bibisita sa Pilipinas si Harris para muling pagtibayin at palakasin ang US-Philippines Alliance.

Ang Thailand ang magho-host ng APEC Summit ngayong taon na may layunin na ituon ang pansin na ipanumbalik ang ugnayan sa pagkakaroon ng ligtas at maayos na cross-border travel, pagpapaunlad sa turismo at pagbibigay serbisyo, maging ang kalusugan ng mga mamamayan ng bawat bansa.

Ayon kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil, ang APEC Summit ay isang oportunidad para sa Pilipinas na isulong ang economic agenda at mga prayoridad ng administrasyon.

“These include the empowerment of our MSMEs (micro, small and medium enterprises) and their inclusion in global value chains, recognition of essential role of our maritime crews and seafarers in ensuring stable and resilient supply chains, ensuring our food and energy security and climate change mitigation and adaptation,” ayon kay Garafil.

Sa gitna ng COVID-19 pandemic, ang APEC ay gumawa ng paraan upang mapag-usapan ang mga hadlang na nakaaapekto sa ekonomiya ng rehiyon.

Itinatag noong 1989, ang APEC ay mayroong layunin na palaganapin ang regional economic integration sa ilalim ng maayos na samahan ng bawat bansa. Kris Jose