PBBM dadalo sa Leyte Gulf Landings anniversary sa Oct. 20

PBBM dadalo sa Leyte Gulf Landings anniversary sa Oct. 20

October 18, 2022 @ 5:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inaasahang dadalo si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa 78th Leyte Gulf Landings anniversary commemoration sa MacArthur Landing National Park sa Palo, Leyte, araw ng Huwebes, Oktubre 20.

Matapos ito ay dadalo naman si Pangulong Marcos sa 75th Charter Day celebration ng  Ormoc City.

Maliban kay Pangulong Marcos, dadalo rin sa dalawang nasabing events si Vice President at Education Secretary Sara Duterte at ilang  foreign dignitaries.

Ang pagbisita ni Pangulong Marcos sa  Leyte, home province ng kanyang ina na si  dating Unang Ginang Imelda, ay masasabing unang pagbisita  nito simula nang siya ay mahalal bilang Pangulo noong  May 9 elections.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon sa nasabing lalawigan na magdaraos ng face-to-face (F2F) Leyte Gulf Landings commemoration  simula nang pumutok ang pandemiya. Kris Jose