PBBM dadalo sa World Economic Forum sa Switzerland

PBBM dadalo sa World Economic Forum sa Switzerland

December 14, 2022 @ 7:13 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tinanggap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang imbitasyon na dumalo sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

Ito ang inanunsyo ni Speaker Martin Romualdez tungkol sa naging desisyon ng Pangulo nitong Martes, Disyembre 13.

Si Romualdez ay kasama ng Pangulo sa Commemorative Summit ng Association of Southeast Asian Nations-European Union sa Brussels, Belgium.

Noong nakaraang buwan, sinabi ng Office of the Press Secretary na inimbitahan ni WEF founder at executive chairman Klaus Schwab si Marcos sa naturang forum.

Ang WEF ay gaganapin sa Davos, Switzerland mula Enero 16 hanggang 20, 2023. RNT/JGC