PBBM ‘di lumipad pa-WPS sakay ng fighter jet

PBBM ‘di lumipad pa-WPS sakay ng fighter jet

March 8, 2023 @ 6:25 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules, Marso 8 na hindi siya nagtungo sa West Philippine Sea sakay ng fighter jet ng Philippine Air Force.

Nitong Martes, Marso 7 ay sumakay si Marcos sa isa sa FA-50PH fighter jets ng PAF bilang bahagi ng defense capability demonstration ng naturang eroplano sa Pampanga.

“Hindi kami masyado lumapit doon [sa West Philippine Sea]… Along the coastline lang kami,” anang Pangulo.

Ayon kay Marcos, bata pa lamang siya ay nais na niyang makasakay sa Air Force jet kaya nang mabigyan ng pagkakataon ay hindi na niya ito pinalampas pa.

“Matagal ko nang gusto gawin iyon pero hindi ako naging piloto kaya nag-take advantage na ako. Pinagbigyan naman ako,” aniya.

“Talagang very, very interesting. Iyong inaalala ko lang baka mahilo ako pero hindi naman. Mabait ang piloto ko, di ako masyado pinahirapan,” dagdag pa ni Marcos.

Tinawag naman ng Pangulo ang karanasang ito bilang “fantastic… very unusual and much desired.”

“We have to continue to encourage the modernization of our Armed Forces para iyong capabilities natin ay mas tumibay pa (so that our capability would improve),” pagpapatuloy niya.

“We can see how important this increase in our capabilities is going to be,” aniya.

Matatandaan na sinabi ni Marcos na hindi nito hahayaang makamkam ng ibang bansa ang kahit isang pulgada ng teritoryo ng Pilipinas. RNT/JGC