PBBM ‘di makatulog sa inflation

PBBM ‘di makatulog sa inflation

January 24, 2023 @ 7:26 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes, Enero 23 na hindi siya makatulog dahil sa inflation rate ng bansa.

“‘Yan ang problema ko na hindi nagpapatulog sa akin eh, ‘yung inflation eh… that’s what I lose sleep every night over is how to bring down inflation,” sinabi ni Marcos sa isang panayam.

“I’m determined to bring down, to make sure that inflation starts to come down in the first quarter and mag-normalize na pagkatapos noon,” dagdag niya.

Matatandaan na lumobo sa 8.1% ang inflation o bilis ng pagtaas sa presyo ng mga produkto, noong Disyembre 2022, mas mabilis sa 8.0% na naitala noong Nobyembre 2022 at 3.1% sa kaparehong buwan noong 2021.

Ayon naman kay National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa, ito rin ang pinakamabilis na inflation rate mula noong Nobyembre 2008 na 9.1%. RNT/JGC