PBBM, ‘di makikialam sa imbestigasyon ng sugar import order

PBBM, ‘di makikialam sa imbestigasyon ng sugar import order

August 13, 2022 @ 4:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hindi makikialam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng sinasabing pagpapalabas ng kautusan na mag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal na sinasabing “illegal.”

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na “He’s (Marcos) leaving the investigation to be conducted without his interference.”

Sa katunayan, nais ni Pangulong Marcos na maging “fair” at “objective,” ang imbestigasyon sa kabila ng sinasabing “attempt to mislead him” nang mag-convene ng Sugar Regulatory Board convened at magpalabas ng resolution ng walang pahintulot ng Pangulo.

Si Pangulong Marcos, kasalukuyang nakaupo bilang Secretary of Agriculture, ay chairman ng Sugar Regulatory Board.

“Is he supposed to uphold that? Is he supposed to go along with it? Is he supposed to trust that these things can work on their own even if he has no explicit authority given to these people?” ang tanong ni Cruz-Angeles.

Ang imbestigasyon ani Cruz- Angeles ay isinagawa at pinangunahan ni Deputy Executive Secretary for Legal Affairs Atty. Richard Palpalatoc. Kris Jose