PBBM, ‘di makikialam sa kaso ni De Lima – Malakanyang

PBBM, ‘di makikialam sa kaso ni De Lima – Malakanyang

October 11, 2022 @ 4:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Walang si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na makialam at makisawsaw pa sa  kaso ni dating senador Leila de Lima partikular na ang desisyon na bigyan ito ng ‘home furlough’ matapos na manaksak ng pulis at i-hostage  ang senadora  sa Camp Crame, Quezon City, araw ng Linggo, Oktubre 9.

Hiningan  kasi  ng reaksyon si OPS Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil ukol sa suhestiyon ni  Senador  Imee Marcos  na payagan ang dating senador na makauwi sa kanyang bahay at manatili doon pansamantala.

“As former members of the Kabataang Barangay together, we are all deeply worried about her health and safety,”  ayon kay Sen. Marcos.

Sinabi naman ni Velicaria-Garafil  na hindi makikialam ang Pangulo sa anumang kaso na hawak na ng korte.

“Ang mga kaso po ni De Lima nasa korte na. So hayaan na lang po natin ang mga abogado niya  to make the proper motion and the President cannot and will not intervene in any case that’s already with the courts,” ayon kay Velicaria-Garafil.

At nang hingan naman ng reaksyon ukol sa panawagan na palayain na si De Lima na nakulong dahil sa  drug-related charges, sinabi ni Garafil na  “As I said, we’ll leave it up to the courts to decide if she’s going to be freed based on the evidence or merits of her case.”

Samantala, matapos makaligtas sa isang hostage-taking sa Camp Crame Custodial Center si  De Lima  ay agad na  inalok ito ni Pangulong  Marcos ng opsyon na mailipat ng ibang detention facility.

“Following this mor­ning’s incident at Camp Crame, I will be speaking to Senator De Lima to check on her condition and to ask if she wishes to be transferred to another detention center,” ani Pang. Marcos sa kaniyang tweet.

Nasa maayos nang ka­lagayan ang dating senadora kasunod ng madugong pangyayari sa tangkang pagtakas ng 3 detainees na iniuugnay sa Islamist terrorist groups, kung saan nasaksak ng tinidor si P/Corporal Roger Agustin.

Kaugnay nito, sinabi ni Interior and Local Go­vernment Secretary Benhur Abalos na gustong manatili ni De Lima sa kasalukuyang pasilidad sa custodial center at naniniwala na ligtas naman siya doon.

Sinabi niya na batay sa utos ni PBBM na bibigyan o ililipat si de Lima ng ibang facility para mas maging ligtas ito gaya ng facilities na ginamit noon nina Sen. Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

Subalit ayon kay Abalos, tumanggi si De Lima at pinili nito na manatili sa kaniyang facility. Kris Jose