PBBM, ‘di makikipagkita sa mga Pinoy sa Tsina sa COVID surge

PBBM, ‘di makikipagkita sa mga Pinoy sa Tsina sa COVID surge

January 3, 2023 @ 1:14 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi makikipagkita at makikipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Filipino community sa China dahil sa COVID-19 situation sa bansa.

Nakatakdang lumipad ang Pangulo ngayong araw ng Martes, Enero 3 patungong Tsina para sa kanyang unang state visit doon.

Sa pre-departure briefing, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Neal Imperial na wala ng magaganap na pagpupulong ang Pangulo sa Filipino community sa kanyang byahe sa Tsina.

“There will be no meeting between the President and the Filipino community, unfortunately, because of the situation there,” ayon kay Imperial.

“You know, it’s too bad but we have to follow the COVID protocols there in China. So, there cannot be any big gatherings ‘no which is usually what the President does; when he goes overseas he meets the Filipino community in big gatherings,” dagdag na wika nito.

Ang pakikipagpulong sa Filipino community ay “regular feature” ng foreign trip ng Pangulo sa kanyang pag-biyahe sa labas ng bansa.

Samantala, ayon sa World Health Organization (WHO), mayroong 28,494 bagong napulat na kaso ng Covid-19 sa China sa nakalipas na 24 oras.

“From Jan. 3, 2020 to Dec. 23, 2022, there have been 10,167,676 confirmed cases of the disease in the country with over 31,000 deaths reported to WHO,” ayon sa ulat. Kris Jose