PBBM ‘di nagmamadali sa POGO ban

PBBM ‘di nagmamadali sa POGO ban

January 22, 2023 @ 9:05 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya nagmamadali sa pagbabawal ng kontrobersyal na Philippine offshore gaming operator (POGO).

“It depends what the purpose is of banning them or removing them, because the problem in reference to Pogos, the problems come from the illegal ones, not the legal ones,” ani Marcos sa press briefing nitong Biyernes, Enero 20 bago lumipad pabalik ng Pilipinas.

“The legal ones pay their bills, pay their taxes,” dagdag pa ng Pangulo.

Sa kabila nito, sinabi naman niya na ang sangkot naman sa serye ng pagpatay at pandurukot ay ang mga illegal POGOs.

“That is why we have shut down the illegal ones and deported their people,” giit ni Marcos.

“I don’t know what would be the point. It’s not a huge part of our economy. And if it’s adjudged that there is a social cost, it might not be worth it. The cost might not be worth what they’re paying in taxes anymore.”

Nakahanda naman na tumulong ang bansa kung sakaling hilingin ng China ang crackdown laban sa POGOs.

“If China wants us to do that, we’ll see what the arrangement could be,” ani Marcos. RNT/JGC