PBBM ‘di nakadalo sa coffee meeting, sinipon

PBBM ‘di nakadalo sa coffee meeting, sinipon

December 14, 2022 @ 9:49 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Absent si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nakatakdang “coffee meeting” kasama ang mga miyembro ng media matapos na magka-sipon.

Ang “kapihan” ay kasama sa mga aktibidad ng Pangulo para sa araw ng Martes, Disyembre 13 habang nagpapatuloy ang kanyang pagbisita sa Belgium para sa Association of Southeast Asian Nations-European Union Commemorative Summit.

Sa halip, si Speaker Martin Romualdez ang humarap sa media.

Tinuran ni Romualdez na nais niyang isertipika bilang ‘urgent’ ang Maharlika Investment Fund bill na kasalukuyan ngayong pinag-uusapan sa plenary sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Kris Jose