PBBM, DTI chief nakipagpulong sa Swiss mining firm

PBBM, DTI chief nakipagpulong sa Swiss mining firm

January 19, 2023 @ 2:05 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama si Trade Secretary Alfredo Pascual, sa chief executive ng Swiss multinational company na Glencore upang pag-usapan ang posibilidad ng pamumuhunan nito sa mining industry ng bansa.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) nitong Huwebes, Enero 19, ang pagpupulong kasama si Glencore CEO Gary Nagle ay naganap sa sidelines ng World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

Ang Glencore ang isa sa pinakamalaki at itinuturing na most diversified natural source company sa mundo.

“They see the Philippines as a potential partner to process nickel and copper resources responsibly and sustainably for use in electric vehicle batteries and energy storage units, among others,” pahayag ng DTI.

Maliban sa mga top global CEO at pinuno ng mga bansa, nakipagkita rin si Marcos at ang kanyang economic team kay Managing Director Kristalina Georgieva kasabay ng WEF. RNT/JGC