PBBM duda sa sanhi ng kamatayan ng “middleman” sa Lapid case

PBBM duda sa sanhi ng kamatayan ng “middleman” sa Lapid case

October 26, 2022 @ 6:03 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Duda at hindi kumbinsido si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na “natural causes” ang dahilan ng pagkamatay ng bilanggo na nagsilbing middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

“The toxicology report came back and mukha talagang walang lason o walang gamot na ibinigay doon sa namatay. I’m still not satisfied that it was natural causes,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam.

“There are ways to kill a person that do not show up in the medico legal, so tuloy-tuloy pa ang imbestigasyon,” dagdag na pahayag nito.

Wika ng Pangulo, nakatutok at mino-monitor niyang mabuti ang kaganapan sa imbestigasyon sa pagpatay kay Lapid.

“Well, I have to… I have been monitoring — I talked to DOJ (chief) Remulla and DILG (chief) Abalos, three, four, five times a day, and each time we talk about this,” ayon kay Pangulong Marcos.

“We do not have any particular directives. The police know what to do. I’ll just get in the way. Imbestigahan ninyo nang mabuti. Alamin natin nang mabuti kung sinong behind this. Hanggang ngayon…hindi pa tayo nakakasiguro,” dagdag na pahayag nito.

Giit pa ng Punong Ehekutibo ang pangangailangan na hubaran ng maskara ang mastermind ng krimen at alamin ang dahilan ng pagpatay kay Lapid.

“But more importantly, is to really trace saan nanggaling ito? Who gave the order? Sino nagbigay doon sa preso na orderin ang shooter na gawin ito at bakit? That is what we are working on now,” anito.

Samantala, kinilala naman ng mga awtoridad ang nasabing middleman na isang Jun Villamor, isang preso sa New Bilibid Prison (NBP). Kris Jose