PBBM, dumalo sa libing ni FVR

PBBM, dumalo sa libing ni FVR

August 9, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa state funeral ng namayapa at dating Pangulong Fidel V. Ramos sa Libingan ng mga Bayani.

Makikita si Marcos na katabi ni dating First Lady Amelita” Ming” Ramos sa libingan.

Si Pangulong Marcos ay distant relative ni Ramos.

Si Ramos ay ika-12 Pangulo ng Pilipinas na binigyan ng state funeral na may full military honors.

Sa ulat, pumanaw si FVR  sa edad na 94.

Base sa ulat, sumakabilang-buhay si Ramos nhabang naka-confine sa Makati Medical Center dahil umano sa kumplikasyon dulot ng COVID-19. Kris Jose