PBBM, ex-UK PM Tony Blair nagharap ulit; PH transpo projects susuportahan

PBBM, ex-UK PM Tony Blair nagharap ulit; PH transpo projects susuportahan

January 18, 2023 @ 3:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Muling nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating British Prime Minister Tony Blair, na nagpahayag ng kanyang intensyon na suportahan ang railway projects ng Pilipinas.

Nagpulong sina Pangulong Marcos at Blair sa sidelines ng 2023 World Economic Forum (WEF) sa Davos, araw ng Martes, Enero 17.

Si Blair ay dating Prime Minister ng United Kingdom at kasalukuyang Executive Chairman ng Tony Blair Institute For Global Change kung saan ayon na website nito ay naglalayong “help political leaders build open, inclusive and prosperous societies in an increasingly interconnected world” sa pamamagitan ng “shaping the debate and offering expert advice.”

Gayunman, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na masigasig si Blair na suportahan ang transportation projects ng Pilipinas.

“Me, personally, I was able to share with Mr. Tony Blair the projects of the Department of Transportation, and he was very interested in supporting, especially the railway projects of the government,” ani Bautista.

“After ng WEF, we are expecting that we will be able to implement the programs of the department, not only to help the Filipinos to have a very good transport experience but also to attract mga tourists,” dagdag na wika nito.

Matatandaang, unang nakapulong ni Pangulong Marcos at kanyang mga opisyal kay Blair noong bumiyahe siya sa New York noong Setyembre ng nakaraang taon para sa United Nations General Assembly (UNGA).

Doon ay sinabi ng Pangulo na mayroong explored concrete ways ang pamahalaan para tugunan ang mga priority issues sa global economy gaya ng food security, climate action, at kalakalan.

Pinag-usapan din ng dalawang lider ang peace process sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).

Pangalawang beses naman na nagpulong sina Pangulong Marcos at Blair nang ang huli ay bumisita sa Pilipinas noong Oktubre ng nakaraang taon.

Pinag-usapan ng mga ito ang malawak na usapin sa pamamahala at best practices ng mga pamahalaan sa mundo. Kris Jose