PBBM, FL NAMIGAY NG REGALO SA KABATAAN

PBBM, FL NAMIGAY NG REGALO SA KABATAAN

December 7, 2022 @ 10:55 AM 2 months ago


HINDI  matatawaran ang tuwa’t saya ng mga batang nasa loob ng Regional Rehabilitation Center for Youth, Research and Study Center for Children, Haven for Women and Girls at Bahay Ampunan sa bansa makaraang magsagawa ng salo-salo at gift giving ang mga ito na pinangunahan ng Pangulo at Unang Ginang noong Disyembre.4.

Umabot sa halos 40 na centers sa bansa sa pamamagitan ng virtual, ang nakiisa sa pamaskong handog ni PBBM at First Lady katuwang ang Department of Social Welfare and Development, Philippine Amusement and Gaming Corporation at iba pang ahensyang namigay ng mga regalo at pagkain sa mga paslit at kabataang na nasa pangangalaga ng gobyernong matapos mawalay sa kanilang pamilya o kaya’y mga biktima ng pang-aabuso.

Kabilang din sa pinasaya ng mag-asawang Marcos ang mga bata sa loob ng mga institusyon at center na pinangangasiwaan ng DSWD,na sa murang edad ay nasasangkot sa iba’t-ibang krimen at nalululong sa droga na kailangang ireporma ng otoridad upang mabigyan ng bagong buhay at pag-asang hindi na magiging pasanin ng komunidad.

Nakakabilib na sa gitna ng mabibigat na suliraning kinakaharap ng bansa ay nagawa pang pamunuan ni PBBM ang ganitong selebrasyong kaya rin naman isagawa ng DSWD at iba pang ahensya subalit batid ng Pangulo bilang itinuturing na “pangkalahatang ama” ng bansang kailangang kalingain ang mga kabataang  na wala nang kinagisnang pamilya.

Sa madaling sabi, ramdam ng sambayanan ang kabutihan ng puso nina PBBM at First Lady na inuuna ang pag-aaruga sa mga naliligaw ng landas na mga kabataan at mga menor de edad na biktima ng malagim na karanasan sa buhay.

Hindi ang mga regalo na natanggap ng mga bata at masarap na pagkain ang nagpasaya sa kanila kundi ang pagpapahalaga ng mag-asawang Marcos sa mga nilalang na ito ang nagbigay ng walang kapantay na kasiyahan sa panahon ng Kapaskuhan.

Anomang puna o reaksyon itex sa 09999388537/email [email protected]