PBBM: Formula 1 racing “best way to drum up business”

PBBM: Formula 1 racing “best way to drum up business”

October 4, 2022 @ 7:54 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na para sa kanya ang “best way” para makakuha ng magnenegosyo sa bansa ay sa pamamagitan ng Formula 1 racing.

“They say that playing golf is the best way to drum up business, but I say it’s Formula 1. What a productive weekend!” ayon sa Facebook post ng Pangulo bilang pagkumpirma na rin sa sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nagpunta siya sa Singapore nitong weekend.

Nauna rito, binanggit ni Singaporean Minister for Manpower Tan See Leng sa Facebook na si Pangulong Marcos ay isa sa mga heads of state na nakapulong niya sa sidelines ng Singapore Grand Prix.

“It was fulfilling to have been invited alongside several dignitaries and to have met new business friends who showed that they are ready and willing to invest in the Philippines. Will be sharing more details on,” wika pa nito.

Ang Singapore Grand Prix ay idinaos sa Marina Bay Street Circuit mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 2.

Ang Mexican driver na si Sergio Perez ng Red Bull Racing ang nanalo sa karera. RNT