PBBM gusto ng maraming gold medal sa Paris Olympics

PBBM gusto ng maraming gold medal sa Paris Olympics

December 4, 2022 @ 3:08 PM 2 months ago


MANILA – Hinamon ni Pangulong R. Marcos Jr. sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa mas magandang performance ng mga Filipino athletes pagdating sa 2024 Summer Olympics sa Paris.

Ayon sa PSC, nais umano ni Marcos na lampasan ng Philippine team ang makasaysayang apat na medalya nitong paghakot sa Tokyo noong 2021 na itinampok ng gintong medalya ni Hidilyn Diaz-Naranjo sa weightlifting.

Isiniwalat ng PSC na hindi bababa sa 12 atleta ang inaasahang kwalipikadong maglaro sa Paris Olympics, dahil dalawang taon pa bago ang nasabing event, inaasahang tataas pa ang bilang at maaring higitan pa ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na sumabak sa Tokyo na 19.

Sa kabilang banda, inaasahan ng PSC na mas marami pang atleta ang magpapakita ng magandang performance para makapasok sa Olympics.JC