Guanzon nabahala sa ‘cronies’

February 4, 2023 @3:45 PM
Views: 11
MANILA, Philippines- HIndi mapigilan ni P3PWD Party-list nominee Rowena Guanzon na ihayag ang kanyang pagkabahala hinggil sa anunsyo kamakailan ng Malacañang na inaprubahan nito ang paglikha ng Water Resource Management Office (WRMO).
Para kay Guanzon, nanganganib mapuno ang opisina ng mga “kaibigan ng administrasyon”.
“They might pack this Office with incompetent cronies. Dami naka pila,” saad sa Twitter post ng dating Commission on Elections (Comelec) commissioner.
Subalit, hindi naman nagbanggit si Guanzon, ng pangalan ng itinuturing niyang “crony” ng kasalukuyang administrasyon.
Base sa Malacañang, pangangasiwaan ng WRMO ang water resources ng bansa.
Sinuportahan ni Guanzon ang presidential bid ni dating vice president Leni Robredo noong May 2022 national elections. Natalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa halalan si Robredo. RNT/SA
Defense engagement sa UK, target palawakin ng Pinas

February 4, 2023 @3:30 PM
Views: 17
MANILA, Philippines- Sinisilip ng Philippine Army (PA) ang posibilidad ng pagppaalawig ng relasyon sa United Kingdom, partikular sa land domain training and education, matapos ang pagbisita ng UK’s defense attaché to the Philippines, Group Captain Beatrix VH Walcot.
Sinabi ni PA spokesperson Col. Xerxes Trinidad nitong Sabado na nagkita sina Walcot at Army vice commander Brig. Gen. Steve D. Crespillo sa kanyang introductory call sa PA headquarters sa Fort Bonifacio nitong Biyernes.
“Brig. Gen. Crespillo, who represented Army chief Lt. Gen. Romeo S. Brawner Jr., and Group Captain Walcot discussed forging closer security and defense ties between the two nations. The two leaders also tackled bolstering areas of collaboration in the land domain, such as military training and education,” paglalahad ni Trinidad.
Magugunitang nakatanggap ang team ng PA Scout Rangers ng Silver Medal citation sa pre-pandemic Exercise Cambrian Patrol (Ex CP) 2019 sa Wales, UK.
Kabilang sa Ex CP, itinuturing na “British Army’s premier patrolling event”, ang mission-focused at scenario-based exercises na naglalayon na palakasin ang kapabilidad ng participating units, base kay Trinidad.
Itinalaga ng British government kamakailan ang resident defense attaché to the Philippines na nakabase sa British Embassy in Manila mula sa nakaraang Brunei-based non-resident attaché.
Alinsundo ito sa 2021 Integrated Review of Foreign and Security Policy ng British government, na tumututok na ngayon sa Indo-Pacific region. RNT/SA
Japanese store na tumatanggap ng bayad na sibuyas, bumida!

February 4, 2023 @3:24 PM
Views: 20
MANILA, Philippines- Sibuyas ang pambayad ng mga kustomer para sa piling items sa isang department store na nagbebenta ng Japan-made home products sa Panay, Quezon City, ngayong Sabado.
Pinapayagan ng Japan Home Centre, ang buyers na bumili ng tatlong items kapalit ng sibuyas, na gagamitin para sa kanilang community pantry. Danny Querubin
206 big ticket projects sa ilalim ng Marcos admin, binubusisi ng NEDA

February 4, 2023 @3:15 PM
Views: 24
MANILA, Philippines- Maglalabas ang National Economic and Development Authority (NEDA) ng pinal na listahan ng major projects sa ilalim ng administrasyong Marcos sa pagtatapos ng first quarter ng 2023.
Kasunod ito ng paunang pagpapalabas ng 7 “high-impact projects” ngayong linggo.
Sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, hinihimay mabuti at sinusuri ng socioeconomic planning body ang mahabang listahan ng mga proyekto.
“So far, mga 206 iyong nasa listahan ngayon. And that’s just for iyong tinatawag nating magiging flagship. That could still be trimmed down… iyon nga tinitingnan natin iyong viability nito,” ayon kay Edillon.
“Iyong the benefits versus the cost, of course. Kasi iyong longer list, ito iyong mga 3,000 projects iyon, all the way to 2028. But, like I said, iyong listahan na iyon, we will come up with it, it will be uploaded again on the NEDA website by the end of this first quarter,” ayon sa nasabing opisyal.
Winika pa nito na ang mga proyekto ng pamahalaan ay popondohan sa pamamagitan ng iba’t ibang schemes o pamamaraan gaya ng “public private partnership (PPP), grants at government allocation.”
Sa pagpapatupad ng PPP projects, sinabi ni Edillon na nakatuon ang pansin ng administrasyon sa “solicited PPPs, or those well-crafted and vetted projects, which could help the government achieve its targets of economic growth, increased employment and poverty reduction.”
Kabilang sa mga high-impact projects na inaprubahan ng NEDA Board, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., tumatayong chairman nito ang mga establisimyento gaya ng “300-bed capacity University of the Philippines (UP)-Philippine General Hospital (PGH) Cancer Center-Public Private Partnership (PPP) project, pagtataas sa halaga ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) rehabilitation project, utilisasyon ng Japan International Cooperation Agency (JICA) loan balance para sa bagong Communications, Navigation, Surveillance-Air Traffic Management (CNS-ATM) system, at pagtatayo ng bagong Dumaguete Airport Development Project.
Ang iba pang proyekto na inaprubahan o kinumpirma ng NEDA board ay ang Mindanao Inclusive Agriculture Development Project (MIDP) ng DA, at ang P20-billion first phase ng Integrated Flood Resilience at adaptation project ng Department of Public Works and Highways’ (DPWH) sa tatlong mga pangunahing river basin sa bansa. Kris Jose
Mga Pinoy kabilang sa most ‘favored tourists’ sa Taiwan

February 4, 2023 @3:00 PM
Views: 24