PBBM humarap sa Fil-Chi business community

PBBM humarap sa Fil-Chi business community

October 2, 2022 @ 10:47 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) upang talakayin ang economic recovery post-COVID-19 ng bansa.

Sa isang post sa pamamagitan ng kanyang official Facebook page, nakipagpulong si Pangulong Marcos, araw ng Sabado, sa mga opisyal ng FFCCCII sa Malacañang Palace, araw ng Biyernes, Setyembre 30.

“We thank our friends from the Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. for meeting with us yesterday and for sharing their ideas to speed up our country’s economic recovery from the pandemic,” ayon sa Pangulo.

Nagpasalamat naman ang Chief Executive sa Filipino-Chinese business leaders para sa agarang pagtugon sa kanyang “whole-of-nation approach” sa COVID-19 economic recovery.

“We are pleased they have eagerly responded to our call for a whole-of-nation approach to addressing this immense and arduous task,” ang wika ng Pangulo.

Samantala, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin makapagpapalabas ang Pangulo at ang Malakanyang ng detalye ukol sa pulong. Kris Jose