PBBM, humingi ng ‘divine guidance’ sa pagsisilbi sa bansa

PBBM, humingi ng ‘divine guidance’ sa pagsisilbi sa bansa

July 1, 2022 @ 5:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Humingi si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  ng “divine guidance” o banal na patnubay  para sa kanyang gagawing  pagsisilbi sa bansa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.

Dumalo si Pangulong Marcos sa isang Holy Mass, kaninang umaga kung saan ang misa ay in-officiate  ni  Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa San Miguel Parish Church sa loob ng Malacañang compound.

“Wanting to seek Divine Guidance, President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. attended a Mass on Friday morning before going to the Malacañang Palace to officially start his first day in office as the 17th President of the Republic of the Philippines,” ayon sa press statement ng Office of the President (OP).

Dumalo rin sa nasabing misa sina Vice President Sara Z. Duterte, Executive Secretary Vic Rodriguez, Special Assistant to the President Anton Lagdameo, Presidential Management Staff Chief Naida Angping, National Economic and Development Authority Director-General Arsenio Balisacan, at Solicitor General Menardo Guevarra.

At maging ang mga Kalihim na sina  Erwin Tulfo (Social Welfare), Jesus Crispin Remulla (Justice), Benjamin “Benhur” Abalos Jr. (Local Government), Christina Frasco (Tourism), Susan Ople (Migrant Workers), Bienvenido Laguesma (Labor), Jaime Bautista (Transportation), at Conrado Estrella III (Agrarian Reform) ay nakiisa rin sa misa.

Sa homily ni Advincula, hinikayat nito si Pangulong Marcos, at VP Sara na  tularan ang  dalawang katangian ng Good Shepherd, kabilang na rito ang  “listening leadership and life-giving leadership.”

“Jesus Christ is also a life-giving shepherd, a life-giving leader. He desires his flock to gain abundance and fullness of life, and he does this by laying down his own life for his sheep. He came not to be served, but to serve,”  ayon kay Advincula.

Nanawagan din si Advincula sa mga matataas na opisyal sa ilalim ng administrasyong Marcos na magsilbi hindi lamang para sa partikular na indibiduwal o grupo  kundi sa buong sambayanang filipino.

Hiniling niya sa mga ito  na agad na tugunan ang pangangailangan ng mga filipino lalo na iyong mga mahihirap at nabibilang sa  marginalized sectors.

“As we meet in our offices and conference halls asking questions in our heads, may we be mindful of our people who ask questions in their empty stomachs…May we be leaders who listen to our people, especially the poor and marginalized,” ayon kay Advincula sabay sabing “Guided by truth, urged by charity, and passionate for justice and peace, may you spend yourselves in the service of the common good.”

Umapela rin si Advincula sa publiko na suportahan sina Pangulong Marcos at VP Sara at ang mga bagong halal na opisyal ng bansa.

Hiniling din niya sa mga ito na ipagdasal ang  “new set of leaders” sa bansa  “for the betterment of the nation.” Kris Jose